Saturday, October 9, 2010

Tama ba ginagawa ninyo?


Bukas ay October 10, 2010, o 10-10-10 na sinasabing masuwerteng araw para sa mga mkakalikasan, bukas ay gagawa sila ng mga event katulad ng mga parada, fun run o takbo para sa kalikasan....tanim ng puno, at kung ano-ano pang bagay na sinasabing makakatulong sa ating kalikasan...pero ang tanong....tama ba ang ginagawa ninyo?

Sa larawan sa itaas ay makikita ninyo ang mga mangingisda na namumulot ng basura sa ilog ng Obando, Meycauayan, at Marilao...na kilala na ngayon bilang "ObaMMa River", tatlong ilog na magkakasugpong kaya ito ay nag-iisa lang na tinaguriang pinakamaruming ilog sa buong mundo...na inihayag ng "Blacksmith Institute" na nakabase sa New York, USA at tumulong daw na linisin ang aming ilog....

Taong 2008 pa ang larawang iyan...kasabayan ng pinagsamang komite ng mga lungsod sa Bulacan, DENR, DOH, Pagcor, at kung ano-ano pang mga kumpanya na nagbigay ng pondo para linisin ang ilog ng ObaMMa.....pero nalinis ba?

Ang mga mangi-ngisda namin sa Bulacan ay kawawa...inaakala pa nila na may mabubuhay na isda kung lilinisin nila ito sa basura....na ang tanging mga sandata lang ay kamay, pala, pandakot, walis at bangka.....sa sariling inisyatibo, samantalang ang nanga-ngasiwa sa paglilinis sa kabilang parte ay milyon-milyon ang pondo....sagana sa publisidad, billboard, mga pinagboboluntaryong mga tao, at kungwari hahawak ng pangalahig at magpapakuha ng larawan sa media, at presto....malinis na....

Taong 2008 po iyan, noong kasalukuyang gustong tumulong ng "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc. sa paglilinis ng ilog na ito....na napaghinalaan pang tutulong para umubos ng pondo....masakit para sa amin ang maparatangan...dahil kumpleto kami sa pag-aaral at mga plano kung paano lilinisin ang ilog na ito....tagarito kami sa Bulacan....samantalang ang mga nasa komite ay taga-ibang bansa (Daw)......napakasakit para sa aming mga makakalikasan na talagang mga taga Bulacan...

Taong 2010 na po ngayon....bago na ang ating Presidente....bagong administrasyon... ....2005 pa daw inumpisahan linisin ang aming ilog, na inihayag noong taong 2007, pero hangang ngayon napakadumi pa din...nawala na ang balita ng Blacksmith...ng Greenpeace....at maaring pati ang pondo para linisin ito....

Bukas, 10-10-10, napakaraming makakalikasan ang sasama para gumawa ng mga pangkalikasang proyekto para (Daw) tumulong sa ating kalikasan....walang sasama sa grupo ko...dahil tahimik lang kami kung magtrabaho...walang media at lalong walang plastic....ang gusto namin ay araw-araw na trabaho para sa kalikasan...kung kailan mangyayari ito....."Diyos" lang ang makapagsasabi....at ito ay kung magkakaisa na ang lahat ng Pilipino na kumilos para sa ating kalikasan....

Noong isang araw....may nakita na namang mga trosong inaanod sa mga ilog sa Rizal....ang katwiran naman siguro may mga nagtatanim naman minsan sa isang taon...siguro ang ulit na naman nito ay sa Nobyembre 11, 2011, 0 11-11-11......

Sana po ay mabasa ito ni Pangulong NoyNoy....dalawang beses kaming sumulat kay Chairman Alvarez noong nakaraang administrasyon, bago at pagkatapos ni Ondoy na pinampunas lang yata sa kubeta....akreditasyon lang ho ang kailangan namin....na hindi binigyan pansin ng kagawarang ito maging ng DENR.....hindi pondo ang kailangan namin, marami pang tutulong sa aming mga may mabubuting puso dahil akredito naman kami ng DSWD....

Sa mga kasama ko sa GUARDIANS gayundin sa mga dati kong kasama sa PLDT, at sa lahat ng mga mabubuting nilalang.....magtulong-tulong na po tayo para sa ating kalikasan...ituturo po namin sa inyo ang mga gagawin kung kayo ay magmimiyembro sa "Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc." ang pondasyon ng mga mahihirap ngunit mararangal at laang tumulong sa ating kalikasan....

I-klik lang po ang link sa ibaba ng "Miyembro Pilipino" kung may mga gustong malaman sa pagmimiyembro....

Salamat po sa lahat ng nagbasa, mabuhay po kayo, at GOD Bless...

Jaime (Leandro) Flores Reyes
Chairman - Guardians Stop Global Warming Foundation, Inc.

1 comment:

  1. The King Casino | Review of Casino | RTP - Joker
    The kadangpintar king casino review - everything you need to know about this popular casino. https://deccasino.com/review/merit-casino/ apr casino It's all about https://vannienailor4166blog.blogspot.com/ quality and https://jancasino.com/review/merit-casino/ quantity.

    ReplyDelete